Friday, September 18, 2009

"Mga Kwentong TuLog"


Ni Marjun Sarmiento

Si Mr. Dilay na teacher ko nung 4th year high school ang natatandaan kong nagsabi sa amin noon na pito raw ang bilang ng panaginip ng isang tao, kapag sumobra o kumulang eh senyales daw yun ng abnormalities sa pagtulog,Sa pitong ito pwedeng isa o hanggang dalawa lang ang maalala mo paggising.

Ayon sa kanya masama raw na napuputol ang napapanaginipan isa raw yun sa mga nagiging cause ng bangungot.Kailangan daw na maexecute ng maayos ang lahat.That's why iba ang mood ng isang taong kulang sa tulog kasi bukod sa hindi maayos na nakapagpahinga ang utak at katawan nila eh naputol kaagad yung scene na kung saan andun na sila sa part na magkikiss na sila ng crush nya...Nakakatawa nga lang isipin na may ilang desperadang mapanaginipan ang mga taong gusto nila. Totoo bang kapag inilagay mo ang litrato ng taong gusto mong mapanaginipan sa likod ng unan mo ay papasok ito sa panaginip mo?Ginawa ko na rin toh dati, pero iba ang napanaginipan ko, umiihi raw ako sa pader. Paggsising ko galit na galit yung nanay ko kasi basa yung hinihigaan ko.HINDI AKO NANINIWALA DITO!
Siguro na experience mo na rin yung mahulog ka sa panaginip mo tapos gagalaw ka na lang bigla. Hindi ko maalala kung sinu sa mga kakilala ko ang nagsabi, humihiwalay daw kasi yung spiritual body mo sa physical tapos babalik din kaagad kaya feeling mo para kang nahulog, karamihan naman dito hindi natutuloy eh...Kasi kapag malapit na sila sa ground eh...bigla na silang nagigising or naalimpungatan...Naexperience ko na toh yun nga lang hindi spiritual body ang humiwalay, yung physical body ko ang humiwalay sa higaan ko kasi lumagapak ako sa sahig sa sobrang likot ko matulog.Buti na lamang kamo at mababa lang ang hinihigaan ko imagine kung sa itaas ng double deck siguro hindi ko na masusulat tong article na to.Nakakamatay din pala yun.

Speaking of nakakamatay have you already experience a nightmare "bangungot" kung tawagin , is it true na mas prone daw ang mga lalaki sa ganito?Look what happen to Rico Yan, pero I wonder kung anung inilagay sa death certificate nya ng cause ng kamatayan nya...NAMATAY NG DAHIL SA BANGUNGOT?Last experience ko nito muntik na akong sumunod sa kanya, totoo nga siguro yun na kapag busog ka tapos bigla ka matutulog babangungutin ang isang tao dba?Tandang-tanda ko pa yun, alam kong gising ako pero hindi nagreresponse ang katawan ko. Nanaginip ako ng nakaktakot and then after that pagpalit ko ng pwesto ng pagtulog which is nakatihaya, bigla ko na lang naramdaman yung pagtigas ng mga legs ko, alam kong nakangiwi na akon nung time na yun kasi pinipilit kong sumigaw pero wala akong naririnig kahit yung tunog ng electricfan.Kinuwento na lang ng mom ko kinabukasan na narinig nya raw ako na umuungol ng gabing yunakala nya lang daw eh kumakanta ako,kaya hindi nya ako ginising ang hindi nya alam kinukuha na pala ako ni lord. Well anyway thankful pa rin ako kasi nagawa ko syang malabanan.

Its part of our life, singlawak ng universe ang mga misteryo sa pagtulog ng tao.Kaya sa susunod na mapunta ka sa isang lugar na parang feeling mu eh napuntahan mo na kahit first time mo pa lang nakikita wag ka ng magtaka kasi malay mo sa dyan nagtravel yung spirit mo during the time na tulog ka. JUST PRAY BEFORE YOU GO TO BED!Para mabigyan ka ng guidance ng isa sa mga character sa panaginip mo na minsan iniignore mo.

No comments:

Post a Comment