Tuesday, September 22, 2009

"pILosOpo NGa Ba aNg PinOy!!"

-kanina nakita kong may patay sa katapat na kalye namin
nagtanung ako sa isang kakilala ko:
ako; Pre!!! sinong patay dyan?
pilosopo; Yung dating buhay!!!

-kapag may bago akong ka call mate!!!
ako; San ka po nakatira
pilosopo; Sa bahay!!!!

-gumanti ako sa isang kakilala ko!!!
ako: pre!!!San binaril si Jose Rizal?Letter "L" nagsisimula
kakilala ko: Sa Luneta!!! bakit?
ako: MALI!!!!
kakilala ko: HUH?Saan!!!
ako: SA LIKOD!!!

"Mga TAnUnG na HangganG ngAyuN di Ko Lam KUng may SagOt"

1. Bakit Hello ang unang sinasabi sa telepono?
2. Kaya mo bang ubusin ang isang baso ng tubig sa ilalim ng swimming pool?
3. Bakit hindi naka alphabetical ang keyboard?
4. Kaya mo bang umiyak sa ilalim ng tubig?
5. Bakit ang kulangot binibilog bago itapon?
6. Anu daw ang kasarian ni tweety BIrd hehehe?
7. Bakit may mga left handed na tao?
8.Ang lason ba kapag naexpire nakakalason pa rin?
9.Bakit kapag close kayo open kayu sa isat-isa?
10. Pwede ka bang maglagay ng breakfast o dinner sa "lunchbox"?
11. Kapag ang sabon nadumihan kailangan pa bang sabunin para linisin?
12.If you expect the unexpected, wouldn’t the unexpected be expected?

"MGa QUoTeS ni EmmiE"

ilan lang to sa mga quotes na pinadala sakin ng classmate ko sa NSTP na si Herminia also known as Emmie to some of his friends...pinost ko lang sya kasi magaganda hehehe...maganda rin daw ang gumawa eh heheheh...

1. *base sa sarili kong translation"
-kapag tinitigan ka ng isang tao, dalawa lang yan:
its either may mali sayo!
o may tama sayu!-
2. -di bale ng mahuli ka ng crush mong nakatingin sya sayu, at least nakita mo syang lumingon din-
3. no matter how bitter a coffee gets, one bite of a sweet cookie changes everything; thanks for being a sweet cookie person in a bitter coffee world.
4. -letting go is like getting a tooth pulled out by a dentist.pulled it out, youre relieved.But how many times does your tongue run over the spot where the tooth once was?probably a hundred times a day.just because isn't hurting you doesnt mean you dont notice it.
it leaves a gap and sometimes you see yourself missing it terribly.It's going to take a while and it takes a time. Shoul you have kept the tooth?
no! coz it was causing you so much pain!LET GO!

Friday, September 18, 2009

"IsLa Purgatoryo"


Ni Marjun Sarmiento

I wonder kung saan napupunta ang spirit ng tao after nyang mamatay.

Is it in langit, lupa o impyerno? Nakapagtataka lang, ilang tao na ba ang namatay simula ng mauso ang kamatayan? Hindi pa rin ba overpopulated ang purgatoryo, langit o impyerno kung totoo mang meron nito? may isang bagay lang akong gustong i point out!And that is "
WHAT IS LIFE AFTER DEATH?"

Just try to imagine saang lupalop sa universe mo hahanapin ang tatlo sa binanggit kong mga fantasy land. Sabi naman sa bible ang kingdom daw ni god eh...nasa puso ng tao, so you dont have to ask kung nasaan ba talaga ang heaven. Tanung ko lang kung papaano nagkasya sa puso ko lahat ng taong namatay.Just Kidding !


Wala lang parang nakakalungkot lang kasi isipin na kahit anung gawin mo hindi mo mapipigilan ang kamatayan. Pwera na lang siguro kung i wish mo sa mga dragon balls na gawin kang immortal.

Try to think of it mapapaisip ka! Papaano mo gustong mamatay o ano ang pakiramdam? Gusto mo malaman? Punta ka sa tuktok ng building and then try to imagine na ikaw si batman tapos talon ka!Saka mo na lang maaalala na hindi pala lumilipad si batman.

JUST WAIT! Malalaman mo rin ang sagot sa mga tanong ko!Malay mo habang binabasa mo to inaabangan ka na pala ng mga kaaway mo sa labas may dalang panaksak.SAAN MO NGAYON GUSTONG MAPUNTA?sa langit!sa impyerno o sa tinatawag nilang ...ISLA PURGATORYO!

Kuha mo yung logic?

"MGa KWentong Panaginip"

(HANgo Sa Isang blog Na NaBasa Ko)

Sabi nila, normal na may 10 panaginip ang tao. Mostly, ang natatandaan lang natin ay yung mga nagbigay sa atin ng takot o sobrang kasiyahan. Nagkakaroon lang ng dream sa REM stage (rapid eye movement), malalaman mo yun pag magalaw ang mga mata niya.

Kahit noon pa man, even sa bible, malaki ang pagpapahalaga nila sa panaginip sa kaakibat na kahulugan nito. Pero syempre, sa panahon natin, isa na itong kalokohan. Anyway, sa kasalukuyan ay marami pa ring scientist ang nagtutuklas ng hiwaga ng panaginip.

Si papa Freud, sa kanyang psychoanalysis, isinama niya rin ang Interpreatation of Dreams sa paggamot sa kanyang mga pasyente. May libro talaga nito pero i think wala na kayong mabibili, check nyo na lang sa library nyo. Ayon sa kanya, sa panaginip naihahayag ang supressed feelings like sexual depression. sa panaginip, makikita ang tagong bahagi ng pagkatao.

Sa psychology, naniniwala silang walang ibang makapagbibigay ng mas tamang kahulugan sa panaginip ay yung nanaginip mismo. Nag-aagree ako sa kanila.

"Mga Kwentong TuLog"


Ni Marjun Sarmiento

Si Mr. Dilay na teacher ko nung 4th year high school ang natatandaan kong nagsabi sa amin noon na pito raw ang bilang ng panaginip ng isang tao, kapag sumobra o kumulang eh senyales daw yun ng abnormalities sa pagtulog,Sa pitong ito pwedeng isa o hanggang dalawa lang ang maalala mo paggising.

Ayon sa kanya masama raw na napuputol ang napapanaginipan isa raw yun sa mga nagiging cause ng bangungot.Kailangan daw na maexecute ng maayos ang lahat.That's why iba ang mood ng isang taong kulang sa tulog kasi bukod sa hindi maayos na nakapagpahinga ang utak at katawan nila eh naputol kaagad yung scene na kung saan andun na sila sa part na magkikiss na sila ng crush nya...Nakakatawa nga lang isipin na may ilang desperadang mapanaginipan ang mga taong gusto nila. Totoo bang kapag inilagay mo ang litrato ng taong gusto mong mapanaginipan sa likod ng unan mo ay papasok ito sa panaginip mo?Ginawa ko na rin toh dati, pero iba ang napanaginipan ko, umiihi raw ako sa pader. Paggsising ko galit na galit yung nanay ko kasi basa yung hinihigaan ko.HINDI AKO NANINIWALA DITO!
Siguro na experience mo na rin yung mahulog ka sa panaginip mo tapos gagalaw ka na lang bigla. Hindi ko maalala kung sinu sa mga kakilala ko ang nagsabi, humihiwalay daw kasi yung spiritual body mo sa physical tapos babalik din kaagad kaya feeling mo para kang nahulog, karamihan naman dito hindi natutuloy eh...Kasi kapag malapit na sila sa ground eh...bigla na silang nagigising or naalimpungatan...Naexperience ko na toh yun nga lang hindi spiritual body ang humiwalay, yung physical body ko ang humiwalay sa higaan ko kasi lumagapak ako sa sahig sa sobrang likot ko matulog.Buti na lamang kamo at mababa lang ang hinihigaan ko imagine kung sa itaas ng double deck siguro hindi ko na masusulat tong article na to.Nakakamatay din pala yun.

Speaking of nakakamatay have you already experience a nightmare "bangungot" kung tawagin , is it true na mas prone daw ang mga lalaki sa ganito?Look what happen to Rico Yan, pero I wonder kung anung inilagay sa death certificate nya ng cause ng kamatayan nya...NAMATAY NG DAHIL SA BANGUNGOT?Last experience ko nito muntik na akong sumunod sa kanya, totoo nga siguro yun na kapag busog ka tapos bigla ka matutulog babangungutin ang isang tao dba?Tandang-tanda ko pa yun, alam kong gising ako pero hindi nagreresponse ang katawan ko. Nanaginip ako ng nakaktakot and then after that pagpalit ko ng pwesto ng pagtulog which is nakatihaya, bigla ko na lang naramdaman yung pagtigas ng mga legs ko, alam kong nakangiwi na akon nung time na yun kasi pinipilit kong sumigaw pero wala akong naririnig kahit yung tunog ng electricfan.Kinuwento na lang ng mom ko kinabukasan na narinig nya raw ako na umuungol ng gabing yunakala nya lang daw eh kumakanta ako,kaya hindi nya ako ginising ang hindi nya alam kinukuha na pala ako ni lord. Well anyway thankful pa rin ako kasi nagawa ko syang malabanan.

Its part of our life, singlawak ng universe ang mga misteryo sa pagtulog ng tao.Kaya sa susunod na mapunta ka sa isang lugar na parang feeling mu eh napuntahan mo na kahit first time mo pa lang nakikita wag ka ng magtaka kasi malay mo sa dyan nagtravel yung spirit mo during the time na tulog ka. JUST PRAY BEFORE YOU GO TO BED!Para mabigyan ka ng guidance ng isa sa mga character sa panaginip mo na minsan iniignore mo.

"Si Bob Ong At Ang Bob Ong Pinoy"


Kung nabasa nyo na kahit ang isa sa mga librong ABNKKBSNPLAko?!,Bakit Baligtad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, Alamat ng Gubat, at Stainless Longganisa, malamang pamilyar na kayo sa Pilipinong manunulat na si Roberto “Bob” Ong. Nagsimula bilang isang web developer ng website na Bobong Pinoy, nakamit ni Bob Ong ang kasikatan matapos manalo ang site bilang People’s Choice on Philippine Web Awards for Weird/Humor noong 1998. Ngunit hindi tulad ng ibang manunulat, mas pinili ni Bob Ong na itago sa publiko ang sarili niyang identidad – walang larawan, panayam sa telebsiyon, o book launchings man lang. Naging isang misteryo ang katauhan siya sa mundo ng mga mapagtanong na tao. Naging kilala si Bob Ong sa hindi papapakilala; sa kanyang kakaibang pamamaraan ng pagsusulat.

Maraming haka-haka tungkol sa tunay na pagkatao ni Bob Ong. Minsan, nabalita na siya talaga si Paolo Manalo, isang makata at propesor ng literatura sa Unibersidad ng Pilipinas. Nang tanungin ukol dito, natawa na lamang ang propesor at itinaggi ang nakalat na balita. Para sa isang sikat na awtor, bakit nga ba may urge ang mga mambabasa na malaman kung sino talaga si Bob Ong? Mayroon bang kabutihang maidudulot ng pagpapakilala ng isang sikat na manunulat? Ating tingnan ang estilo sa pagsusulat ng awtor na si Bob Ong, at subukang hanapan ang mga tanong na ito ng kasagutan.

Sa unang limang librong naisulat ni Bob Ong, kapansin-pansin ang kakaiba niyang estilo sa pagsusulat. Sabi nga ng mga tao, napaka-“Pilipino” ng paggamit niya sa mga salita at napaka-“totoo.” Kaya naman hindi na katakatakang patok sa panlasa ng masa ang kanyang mga naiakda. Pinakitaan nya tayo ng kakaibang pagpapatawa at kakaibang paraan ng pag-iisip. Naging popular si Bob Ong sa kakayahan niyang maisulat ng mabisa ang mga ordinaryong pangyayari sa pang-araw-araw na daloy buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Pero bakit nga ba tayo natatawa sa sarili nating pagkatao bilang Pilipino? Nangangahulugan ba ang ating pagtawa ng pagtakwil natin sa ating mga sarili bilang Pilipino?

Ayon kay Rolando Tolentino, gaya ng pagtawa natin sa mga green jokes, natatawa tayo dahil repressed tayo. Nabibigyan tayo ng pagkakataong magtawa sa sarili nating kultura – walang pag-aalinlangan, “confident laughter” nga kumbaga kay Tolentino. Sa takot na mangahulugan ang pagtawa sa ating kultura bilang pagtakwil natin sa ating identidad bilang mga Pilipino, nagtatawa tayo sa mga ganitong libro dahil may tamang pagkakataon.

Ngunit hindi lamang puro tungkol sa pagpapatawa ang paraan ng pagsusulat ni Bob Ong. Ginulat niya ang kanyang mga tagasubaybay sa paglabas ng kanyang ika-anim na libro, ang Macarthur. Mas seryoso ang mga isyung tinatalakay ng librong ito — mas madugo, maaksyon, madrama. Nakakapanibago kung nakasanayan mo na ang kanyang estilo ng mga una niyang naisulat — mas litaw ang mga ginintuang aral dito, mas may kahulugan.

Umikot ang takbo ng kwento sa buhay ng apat na magkakaibigang lalaking nakikidigma sa problema ng kahirapan. Sa nobelang ito napalitaw ni Bob Ong ang pagkilos ng siyudad bilang “crazy planets.” Literal na binaliw ng kahirapan ang mga tauhan — aksidenteng napatay ni Cyrus ang pinakamamahal niyang amain dahil sa epekto ng ipinagbabawal na gamot, at walang-awang pinatay si Voltron dahil sa pagkakasangkot sa isang sindikato sa paghahangad na kumita ng pera. Malungkot at masaklap na trahedya ang naging katapusan.

Kung mapapansin, nagsusulat si Bob Ong ng mga bagay na mahirap intindihin para sa mga elit. Sa ganitong paraan ng pagsusulat, nakakalikha siya ng isang tahimik at temporaryong pagbabago sa lipunan. Para bang tumataas ang tingin ng masa sa kanilang sarili dahil alam nilang sila lamang ang may kakayahang umintindi ng mga naisusulat ni Bob Ong. Kung hindi ka galing sa pampublikong paaralan, maiintindihan mo ba talaga kung ano ang mga kalokohang kanyang mga tinatalakay sa librong ABNKKBSNPLAko?! Magaling si Bob Ong para sa masa dahil nakikita nila ang kanilang mundong ginagalawan sa pagbabasa lamang ng libro. Nostalgic nga, sabi nila. Ngunit sa bandang huli, pagbalik nila sa realidad, mahirap pa rin sila, at elite pa rin ang mga elite; isa itong malungkot na katotohanan.

Ngayong mayroon na tayong kaunting kaalaman sa paraan ng pagsusulat ni Bob Ong, mabalik tayo sa unang tanong na pinilit nating hanapin ng kasagutan. Kinakailangan ba talagang malaman natin ang tunay na identidad ng awtor? Sa aking palagay, hindi na ito kinakailangan. Bakit ang awtor ng mga text messages at mga jokes na kumakalat gamit ang bagong anyo ng media, hindi na natin tinatangkang alamin ang katauhan?Ayon mismo kay Bob Ong, ayaw niyang magpakilala dahil sa hindi niya kayang magbayad ng hinihinging kapalit ng kasikatan. Gusto niyang magpatuloy mamuhay at magsulat bilang isang ordinaryong Filipino. Ang suhestiyon niyang ito mismo ang nagsasaad ng masaklap na realidad – may kapalit ang lahat. Kaya sa aking palagay, nararapat lamang na irespeto na lang ang kanyang desisyong manatili bilang isang misteryosong manunulat ng makabagong panitikang Pilipino.

"Mga Turo ni Pareng Bob Ong"



1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.." ...
2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.."
3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.."
4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.."
5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo.. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.."
6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.."
7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo.. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.."
8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya.. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.."
9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo.. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.."
10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa.. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.."
11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo.. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.."
12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki.. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito.. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman.. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.."
13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.."
14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao.. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.."
15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.."
16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala.."
17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan.."
18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo.. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo.. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"
19. "Ang pag-ibig parang imburnal..nakakatakot mahulog..at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."